Bumalik ka na sa'kin.

Sunday, July 05, 2015

May 10, 2015 9:22pm
Sige na please, 'wag nang mainis bumalik ka na sa'kin.
Sorry mahal ika'y nasaktan bumalik ka na sa'kin.
Huwag mo sana akong ipagpalit, ikaw at ako na lang ulit.

SIGE NA PLEASE 'WAG NANG MAINIS, BUMALIK KA NA SA'KIN
SORRY MAHAL IKA'Y NASAKTAN, BUMALIK KA NA SA'KIN.

Hindi ko alam kung karma ba 'to, pinaglalaruan ako ng tadhana o sadyang tanga lang ako para ngayon lang ma-realize ang mga pagkakamali ko. Alexine, bumalik ka na sa'kin.

Ako si Lance. Gwapo naman ako, may pera at may pinag-aralan kaso tanga. Tulad rin ako ng ibang lalaki dyan, nag-aasam ng girlfriend na maipagmamalaki sa mga barkada at maipag-mamayabang sa facebook. Ang hanap ko yung maganda, sexy at famous. Kapag may bagong number na naka-text, tapos babae, nililigawan ko, nilo-loadan ko, tapos kapag kinikilig na siya, kukunin ko yung facebook account niya. Kapag pangit sa pictures, 'di ko na nire-replyan kahit kulitin pa niya ko. Pero kapag sinwerte at chicks sa fb, bine-best friend ko.

Ilang taong ganyan ang sistema ng buhay ko. Hindi ko matawag na lovelife kasi wala namang 'love' sa ginagawa ko, puro laro, lokohan. Katuwaan lang.


First year high school ako ng makilala ko si Alexine. Simple lang siya. Hindi naman siya panget pero hindi din siya maganda. Ewan ko ba, tinititigan ko siya sa tuwing andyan lang siya malapit sa kinatatayuan ko. Kapag may libreng oras sa school, siya ang hanap ko. Second year na ko nung maamin ko sa sarili ko na crush ko siya.

Hindi sa feeling ako, at ramdam ko na may gusto siya sa'kin. Sa tuwing titingin ako sa kanya, nakatingin din siya sa'kin. Kapag nahuhuli namin ang isa't isa, minsan iiwas siya ng tingin, minsan parang nakikipaglaro, nakikipag-titigan. Pero never siyang ngumiti sa'kin, at mas lalong wala naman akong lakas ng loob para kausapin siya ng personal. Walang pag-usad sa'ming dalawa, puro titigan lang. Hindi ko siya niligawan kasi hindi siya maganda. Lalaiitin lang kami ng mga barkada ko. Saka hindi siya yung babaeng pwede kong i-rampa sa mga gimik namin.

Pero fourth year hs ako nang nag-decide na akong i-chat siya. Para kaming sira, walang pansinan sa school pero pag-uwi ko sa bahay, kukunin ko agad ang laptop ko at ip-pm siya. Tumagal ng dalawang buwan ang hapon hanggang madaling-araw naming pagcha-chat. Hindi kami nauusbusan ng pinag-uusapan. Pero sa hinaba-haba ng convo namin, wala man lang ni isa sa'min ang umamin, nagsabi ng nararamdaman niya. Kaya kinuha ko na 'yung number niya, at tinawagan ko siya. Sinabi ko na gusto ko siya.

After noon, okay na. Ayun naman pala, ang kailangan lang lunukin ko 'yung pride ko at aminin sa kanya. Ganoon lang ka-simple. Edi ayos, gusto din daw niya ko, kaya sabi ko liligawan ko siya.
Kaso kinabukasan, may pinakilala sa'kin 'yung barkada ko na chicks. Grabe, ang ganda! Tapos singer pa. Unang kita ko pa lang, dyosa ba 'to? Eh friendly pa, edi kinuha ko 'yung number naging magka-text kami. Sa sobrang pagka-aliw ko sa bagong chicks na 'to, nakalimutan ko si Alexine. Tuloy pa din 'yung chat namin pero bihira na ko mag-reply, madalas nga sini-seen ko na lang ang messages niya.
Ginastusan ko 'tong chicks na 'to. Mirienda sa sb sabay upload. Binilhan ko ng dambuhalang teddy bear sa blue magic. Pinadalhan ko pa ng roses na blue kasi favorite color daw niya 'yun.

Tapos isang araw, nagulat na lang ako.

Wala na pala ang lahat sa'kin.

Nakita ko sa feed ko, in a relationship with ******* na siya. May pictures pa ng proposal sa kanya ng mokong niyang ipinalit sa'kin. Kahapon lang kumain pa kami sa Cubao, paano nangyari 'yun? Ang sabi niya, hindi daw niya alam na nanliligaw ako, wala daw akong sinabi. Akala daw niya best friends kami kaya nililibre at nireregaluhan ko siya. Anak ng tipaklong na chicks 'yan! Pa-fall na nga, gold digger pa!

Binuksan ko 'yung inbox ko sa facebook. Binasa ko yung convo namin ni Alexine. Nakita ko kung paano nag-iba yung way ng pakikipag-usap ko sa kanya bago at after ko makilala si chicks.
Nakita ko yung last 5 msgs niya.

Oct. 10, 2012; Alexine: Gaano ka ba ka-busy at puro 'oo' at 'hindi' na lang yung sagot mo sa'kin??
Oct 12, 2012; Alexine: Naks. Kung dati may oo at hindi pa ngayon seen na lang?
Oct 14, 2012; Alexine: Eh kaya naman pala! May ka-date sa starbucks. -_______- Oy replyan mo koooo. T_____T
Oct 15, 2012; Alexine: Oy oy oy. LANCE MAAWA KA!
Oct 18, 2012; Alexine: Ok nmn na ko na hanggang titigan lng tayo ng ilang taon. Bkit ba kc chinat mo pako? Tpos tinawagan pa, sbi mo gusto mo ko? Sbi mo liligawan mo ko? Asan ka na? Usapan natin Oct 19 kita sasagutin dba? Bukas na un. Sana hndi mo na lang sinabi lahat ng sinabi mo, kung hindi ka naman pala seryoso para hindi ako umasa, at hindi ako ngayon nasasaktan.

January na nang mabasa ko yung message ni Alexine noong October 18.

In-unfriend na niya ko. Tinadtad ko siya ng sorry na messages sa facebook pero tulad ng ginawa ko sa kanya, sineen lang din niya.

Ngayon, May 2015 na, 18 na ko, pero single pa rin ako.

Ako kasi si Lance. Gwapo naman ako, may pera at may pinag-aralan kaso tanga. Tulad rin ako ng ibang lalaki dyan, nag-aasam ng girlfriend na maipagmamalaki sa mga barkada at maipag-mamayabang sa facebook. Ang hanap ko yung maganda, sexy at famous.

Ngayon, May 2015 na, 18 na ko, pero single pa rin ako. Hindi ko kasi mahanap yung maganda, sexy at famous na gusto ko. Nagkalat man sila sa news feed ko, hindi ako nilulubayan ng tunay kong nararamdaman.

Na hanggang ngayon, kahit hindi 'yung tulad ni Alexine ang hanap ko, siya pa din ang mahal ko. Hanggang ngayon, kahit kung sinu-sino ang nililigawan ko sa text at sa facebook, siya pa rin ang laman ng puso ko. Binaliwala ko siya, tumingin kasi ako sa iba. Ngayon hindi ko alam kung karma ba 'to, pinaglalaruan ako ng tadhana o sadyang tanga lang ako na hindi ko agad inamin sa sarili ko na siya talaga ang mahal ko.

Alexine, bumalik ka na sa'kin.

You Might Also Like

0 comments

Stalk me!

Total Pageviews