Masaya ka ba?

Wednesday, July 01, 2015

Hahaha! Hahaha?

Nakakatuwa na tumatawa ka. Masaya ako na masaya ka. Pero kapag ako ang tumatawa, bakit parang hindi ka naman natutuwa?

Nung una, simpleng katuwaan lang ito. Masaya ka, kaya masaya rin ako. Pero bakit kapag ako na ang tumatawa, tila ata kakaiba ang tawa mo?

Nakakatawa na natutuwa ako kapag tumatawa ka. Kapag masaya ka, masaya ka ba talaga? Dahil anong nakakatawa kung may isang hindi natutuwa na pinagtatawanan mo siya? Ganyan mo ba ilalarawan ang tunay na saya, sa walang kwentang pagtawa?

You Might Also Like

0 comments

Stalk me!

Total Pageviews